Park N Vac: COVID-19 drive-thru inilunsad sa Sta. Rosa, Laguna

ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 09:06 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - May kakaibang istilo ang inilunsad sa pagbabakuna na tinawag na “Park n’ Vac” ngayong Miyerkoles sa Sta. Rosa sa Laguna.

Ang naturang konsepto ay parang drive through sa Sta. Rosa Community Hospital. Bukod pa ito sa regular na bakunahan sa naturang ospital. 

Pero bawal ang walk-in kaya kailangan na magpa-reserve at magpa-appointment sa City Health Office ng Sta. Rosa para mabakunahan.

Alas-8 magsisimula ang operasyon ng Park ’n Vac at inaasahan na limang sasakyan lamang ang papapasukin kada oras para hindi magsiksikan sa driveway.
 
- TeleRadyo 19 Mayo 2021