PatrolPH

Senior citizens sa QC makatatanggap ng P2,000 ayuda

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 09:34 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Makatatanggap ang lahat ng senior citizen na naninirahan sa Quezon City ng tig-P2,000 na ayuda mula sa lokal na pamahalaan, ayon sa isang opisyal nitong Martes.

Naglaan ang lungsod ng P600 milyon para sa mga senior citizen, mayaman man o mahirap, ayon kay Rogelio Reyes, head ng QC public employment service office (PESO).

"Botante ka o hindi po, basta senior ka po, pasok ka sa listahan," aniya.

Naglilibot ang mga barangay official at tauhan ng Office of the Senior Citizens Affairs sa mga kabahayan upang mai-update ang detalye ng mga nakatatanda, ayon kay Reyes.

"Yung mga barangay officials po meron silang focal person, duty-bound silang sinupin 'yung listahan nila, i-update at hanapin pa po 'yung mga senior na hindi naka-rehistro," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.