PatrolPH

Sekyu, 15 kilometro ang nilalakad para makapasok sa trabaho sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 07:11 AM

Watch more on iWantTFC

Mistulang kalbaryo pa rin para sa ilang residente ng Quezon City ang pagbiyahe kahit nasa ilalim na ng modified enhanced community     quarantine ang kanilang siyudad.

Ayon sa security guard na si Jeffrey Sario, naglalakad siya ng 15 kilometro para makapunta sa Katipunan Avenue kung saang nagtatrabaho siya bilang isang security guard ng isang eskwelahan.

Maaga ring gumigising ang isang lalaking 'di na naibigay ang kanyang pangalan para lamang maglakad mula Barangay Santo Cristo para mamalengke sa Balintawak Market tatlong beses sa isang linggo.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.