Mga tricycle driver sa Pasig nilagyan ng divider ang sasakyan

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 10:14 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nilagyan ng mga tricycle driver ng Eastbank Road, Pasig nitong Martes ng divider ang kanilang mga sasakyang bilang paghahanda sa pagbabalik-pasada.

Nagsisilbing pagitan sa mga pasahero at tsuper ang plastic upang maiwasan ang direct contact. Naglagay rin sila ng butas sa kanilang sasakyan kung saan ihuhulog ang kanilang pamasahe.

Ayon sa tricycle driver na si Mang Ronnie malaking tulong para sa kanyang 5 anak at buntis na asawa ang pagbabalik-pasada niya para matustusan ang pangangailangan sa buhay.

"Kahit papaano po ay makakabili ka naman na po ng pang-ulam, pambigas kaysa naman po nakaistambay ka sa bahay."

Maaaring bumiyahe ang mga tricycle driver simula 5 a.m. hanggang 10 p.m.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.