Lider ng jeepney operator umalma sa panukalang pagkuha ng detalye ng pasahero habang namamasada

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 10:45 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Umalma ang isang lider ng mga jeepney operator nitong Martes sa panukalang kuhain ang mga detalye ng pasahero habang namamasada para sa maayos na contact tracing sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Zeny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, bagamat maganda ang inisiyatiba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, dagdag pasanin pa ang trabahong ito para sa mga tsuper.

"Hindi ka na nga makakasigurado [sa kita], magdadagdag ka pa ng isang tao para kumuha ng pangalan, address at tsaka cellphone number," ani Maranan.

Dagdag pa niya, hindi rin nila matitiyak kung tamang impormasyon ang ilalagay ng kanilang mga pasahero at mahihirapan din sakaling magsagawa ng contact tracing kung may mahawa man sa coronavirus disease (COVID-19).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.