PatrolPH

'Mastermind' umano sa pambibiktima ng Marcos supporters, kinasuhan ng estafa

ABS-CBN News

Posted at May 18 2022 08:22 PM

Watch more News on iWantTFC

Nahaharap sa panibagong kaso ang umano'y mastermind sa modus ng paghingi ng pera sa mga supporter ni presidential front-runner Ferdinand Marcos Jr. at nagpanggap na si spokesperson Vic Rodriguez. Napag-alamang nakakulong sa Bilibid ang sinasabing mastermind, na dati na ring kinasuhan sa parehong modus habang nagpapanggap namang si presidential legal counsel Salvador Panelo. Nagpa-Patrol, Niko Baua. TV Patrol, Miyerkoles, 18 Mayo 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.