P8 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Tsino

ABS-CBN News

Posted at May 19 2017 12:13 AM

Watch also in iWantTFC

Aabot sa P8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang Chinese matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maynila kagabi. Pinaniniwalaan din na miyembro ang suspek ng isang transnational Chinese drug syndicate na gumagalaw sa Pilipinas. Aalamin naman ng awtoridad ang totoong pagkatao ng suspek dahil puro pekeng ID at magkakaibang pangalan ang gamit niya. Nagpa-Patrol, April Rafales. TV Patrol, Huwebes, 18 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.