Dating opisyal ng PDEA na idinawit sa droga, laya na

ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 11:28 PM

Watch also in iWantTFC

Laya na ang dating hepe ng PDEA Special Enforcement Service na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos iatras ng Department of Justice sa Korte ang kasong possession of dangerous drugs laban sa kaniya at isang Chinese asset. Nagbaba ng bagong resolusyon ang DOJ na nagbasura sa reklamo dahil sa kawalan ng ebidensiya laban kay Marcelino na nauna nang iginiit na nagsasagawa siya ng surveillance nang arestuhin. Nagpa-Patrol, Ina Reformina. TV Patrol, Huwebes, 18 Mayo 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.