Home > News Red-tagging sa UP tumitindi umano, ayon sa Diliman student council ABS-CBN News Posted at May 17 2022 04:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Tumitindi ang pangre-red-tag sa mga estudyante ng University of the Philippines, ayon sa student council ng Diliman campus nito. Saad ni Jonas Angelo Abadilla, chairperson ng UP Diliman student council, ang walang basehang paratang na pinamumugaran ng mga komunista ang UP ay hindi na nawala at nagiging malakas pa laban sa mga progresibong mga estudyante nito. Aniya, dapat tigilan ang pagmamanman sa komunidad ng UP. Campaign season pa lang umano ay naging matindi na ang pag-atake sa mga estudyante dahil sa pagbibigay ng opinyon nila sa darating na administrasiyon. UP advisory council blasts Esperon for red-tagging students Natatakot na rin umano ang mga magulang sa maaaring kalagyan ng kanilang anak na nag-aaral dahil sa red-tagging.—SRO, TeleRadyo, Mayo 16, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO Read More: UP University of the Philippines red tagging UP Diliman