Home > News Proklamasyon ng mga nanalong senador kasado na ABS-CBN News Posted at May 17 2022 09:44 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Tuloy na ang proklamasyon ng mga senador na pasok sa top 12 ng Halalan 2022, at gaganapin ito Miyerkules ng hapon. Iimbitahin ang mga nanalo para personal na maiproklama sa PICC. Hindi muna umano babanggitin ang kanilang final ranking dahil nakabinbin pa ang special election sa lugar na nagdeklara ng failure of election noong nakaraang linggo. Samantala, ang mga sigurado nang panalo na mga party-list naman ay sa Huwebes ang proklamasyon. Good to retire VCMs used in Halalan 2022, says Comelec commissioner Ayon sa Comelec, ang mga nasa top tier o nangunguna sa bilangan muna ang maipo-proklama nila dahil sapat na ang mga nakuha nilang mga boto para kumpirmahin ang pagkapanalo ng mga ito. Nauna nang nagpahayag ng Comelec na kahit na may special election pa na gagawin sa ilang lugar sa bansa, katulad sa Tubaran sa Lanao del Sur, ay makakapagproklama na sila ng mga nanalong kandidato sa pagkasenador dahil hindi na mababago pa ng kabuuang bilang na mga boto mula sa mga lugar na ito ang mga kandidatong nasa top 12.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Halalan 2022 senador special election Comelec