PatrolPH

Overhauled bagon ng MRT-3 nadagdagan

ABS-CBN News

Posted at May 17 2022 09:36 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Mas marami na ngayon ang makasasakay na pasahero sa MRT-3 matapos madagdagan ang mga operational train cars nito.

Umakyat na sa 54 umano ang bilang ng mga bagong kumpuning light rail vehicle o bagon. Napalitan na ang mga depektibong components ng mga bagon at naibalik na sa maayos na kondisyon. 

Ayon sa mga opisyal ng MRT-3, dumaan ang mga ito sa serye ng speed at quality check upang masigurong kalidad at ligtas ang mga itong patakbuhin sa linya.

Sa kabuuang 72 bagon ng linya, 18 na lamang ang sumasailalim sa general overhauling.

Ang isang bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o mahigit 1,000 pasahero kada tatlong car train set.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang programang "Libreng Sakay" ng MRT-3 hanggang Mayo 30.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

The MRT-3 test runs a train set that has just been recently overhauled at a speed of up to 50kph on October 29, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
The MRT-3 test runs a train set that has just been recently overhauled at a speed of up to 50kph on October 29, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.