Home > News Ilang taxi driver nanawagan para sa mas malaking bawas-presyo ng produktong petrolyo ABS-CBN News Posted at May 17 2022 12:00 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Matapos ang implementasyon ng oil price rollback ngayong Mayo 17, nanawagan ang ilang taxi driver na lakihan ang bawas sa presyo ng produktong petrolyo. Halos buong taon na raw silang isang kahig, isang tuka dahil sa sunod-sunod na oil price hike. Madalas umano’y halos 24 oras na silang bumibiyahe subalit kulang pa ang kinikita para sa pangkain ng 3 beses ng kanilang pamilya. ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo sa Mayo 17 Ngayong Martes, ipinatupad ang P0.40 na bawas sa kada litro ng gasolina, P3.10 sa kada litro ng diesel at P2.10 sa kada litro ng kerosene. Pero ang hirit ng mga driver, napapansin nila na matapos ang rollback ay mas mataas naman ang itinataas ng presyo ng gasolina matapos ang isang linggo. Noong nakaraang Linggo ay P4 ang fuel price hike. — Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Kabayan, Tagalog news, petrolyo, gasolina Read More: TeleRadyo Kabayan Tagalog news petrolyo gasolina oil fuel oil price hike oil price rollback taxi drivers