PatrolPH

Dahil sa bag, 2 magnanakaw sa QC construction tiklo

ABS-CBN News

Posted at May 17 2022 10:07 AM

Watch more News on iWantTFC

Huli ang dalawang magnanakaw sa barracks ng isang construction site sa Barangay Mariana, Quezon City matapos makita ng isang biktima ang bag ng kanyang kasamahan na bitbit ng isa sa mga suspek. 

Ayon sa report ng Galas Police Station bandang 4:45 ng hapon Lunes, habang nasa trabaho ang mga construction worker ay sumalisi itong mga suspek sa construction site, sinira ang lock at pinasok ang barracks ng mga biktima.

Dahil malapit nang matapos ang trabaho ng panahong yun, pabalik na ng barracks ang isa sa mga biktima at sakto niyang nakita na papalabas ang mga suspek.

Habang papatakas ang mga ito, nakita niyang bitbit ng isa sa mga suspek ang bag ng isa sa mga katrabaho niya. Kaya ang testigo agad na sumigaw, dahilan para matawag ang atensyon ng mga kasama. 

ABS-CBN News, May 17, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.