PatrolPH

Binata tinamaan ng kidlat sa ulo habang naliligo sa dam

ABS-CBN News

Posted at May 17 2022 10:06 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos siya tamaan ng kidlat habang naliligo sa Bustos Dam sa Bulacan nitong Linggo.

Ayon sa Bustos Police, nag-swimming ang biktima na si Reniel Villante Buela sa naturang dam kasama ang kaniyang kamag-anak nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat.

Napuruhan umano ang ulo ng biktima dahil dito direktang tumama ang kidlat. 

Malalim na sugat sa ulo at ilang bahagi ng katawan ang natamo ng binatilyo.

Nagtulong-tulong ang ilang residente upang maiahon ang katawan ni Buela mula sa ilog habang patuloy ang paglakas ng ulan.

Agad umano isinugod sa Bustos community hospital ang biktima subalit idineklara siyang dead on arrival.—Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.