PatrolPH

Truck ban ipatutupad sa Metro Manila ngayong Lunes

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 09:07 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Muling ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban simula Lunes, ayon sa chairman nito.

Ipatutupad ito Lunes hanggang Sabado, alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

Exempted sa truck ban ang perishables at agriculture produce, dagdag niya.

Pinagaaralan din ng MMDA kung maaaring papasukin ang mga truck kapag Sabado.

"Ito’y pinagaraalan naman. Kung makkita nating medyo maluwang, wala naman pong problema," aniya sa ABS-CBN Teleradyo.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.