Grupo tutol sa pagbili ng biofertilizers ng DA

ABS-CBN News

Posted at May 15 2023 03:15 PM | Updated as of May 15 2023 03:30 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Hinimok ng isang grupo ang Department of Agriculture (DA) na bigyan ng vouchers ang mga magsasaka pambili ng pataba o fertilizers imbis na bumili ng sako-sakong biofertilizers ang pamahalaan. 

Iginiit sa TeleRadyo ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, hindi dapat diktahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa gagamiting pataba sa taniman. 

Iginiit din ng grupo ang pagtutol sa isinusulong ng DA na pagbili ng biofertilizers dahil mas epektibo pa rin umanong pataba ang inorganic na urea fertilizers.

Ayon pa kay So, kuwestiyonable ang pagsusulong ng DA sa paggamit ng biofertilizers dahil malayo sa kasalukuyang P500 ang aktwal na presyo ng biofertilizers na ginagawa sa University of the Philippines – Los Banos ang itinakdang uying price ng DA na P2,000.

Hindi rin aniya tama ang nakalagay sa memorandum ng DA na P2,000 presyo ng inorganic na urea fertilizers, dahil nasa mahigit P1,000 lang ang presyo nito ngayon. 

“Dapat yung memo na lumabas, hindi na P2,000 yung urea kasi dalawa yung controversial dyan. Kais yung urea ngayon nasa P1,250-P1,300 na lang,” aniya.

“Tapos yung biofertilizer P500 lang, hindi P2,000. So dapat i-correct nila yung memo na lumabas para at least hindi pumunta sa fertilizer scam,” dagdag pa ni So.

“Mag-set siya nang malapit sdoon sa presyo nay un. Kunyari, yung urea, mag-set siya ng P1,400 para malapit doon sa actual price. And yung biofertlizer naman, mag-set siya ng P600 na malapit doon sa presyo ng P500,” paliwanag niya.

Una nang naglabas ng guidelines ang DA sa mga regional offices kaugnay ng rollout ng biofertilizers para hindi umano maulit ang pinangangambahang fertilizer fund scam.

Naniniwala rin ang DA na makakatulong ang paggamit ng bofertilizers para mapabuti ang produksyon ng bigas. 

--TeleRadyo, 15 May 2023