Mga ilegal na nakaparada, hinatak

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 01:49 AM

Watch also in iWantTFC

Muling nagsagawa ng clearing operations ang MMDA sa ilang kalsada sa Quezon City. Hinatak ang mga sasakyang ilegal na nakaparada at binaklas din ang mga tindahang sagabal na raw sa daan. Binaklas maging ang mga parte ng ilang bahay na lumagpas na sa bangketa. Paghahanda raw ito sa inaasahang dagsa ng mga pasahero at motorista sa nalalapit na pasukan. Nagpa-Patrol, Ernie Manio. TV Patrol, Lunes, 15 Mayo 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.