Mga pamilihan sa Addition Hills, Mandaluyong, muling nagbukas matapos ang 'total lockdown'

ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 08:14 AM

Watch more on iWantTFC

Balik negosyo na ang mga tindahan sa Addition Hills, Mandaluyong City matapos isailalim sa pitong araw na total lockdown bilang pagsugpo sa novel coronavirus.

Nagsipaglakaran na papunta sa mga tindahan ng gulay, karne at bigas sa F. Martinez Avenue ang mga residenteng mamamalengke alas-4 ng madaling-araw pa lang ng Huwebes.

Dumiretso naman ng Fabella Public Market ang mga kwalipikadong pumasok ngayong araw sa pamilihan.

Samantala, hinihintay ding ilabas ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong at ng pulisya kung ilan ang bilang ng mga hinuling lumabag sa lockdown, pati na ang resulta ng isinagawang rapid testing sa Addition Hills pati sa Barangay Mauway na katatapos lang din ng lockdown kaninang hatinggabi.

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News