PatrolPH

4,000 residente ng Payatas, nag-aabang na mabigyan ng ayuda

ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 09:14 AM

Watch more on iWantTFC

Tinatayang 4,000 residente ng Barangay Payatas, Quezon City ang nag-aabang para makakuha ng ayuda sa kanilang barangay hall ngayong Huwebes.

Ilan sa mga residente ay nakapila na nitong alas-11 ng gabi ng Miyerkoles sa pwesto ng barangay hall para mag-abang sa alas-9 ng umaga na pay-out.

Ayon kay Arnel Cleofas ng Quezon City Treasurer's Office, nasa 95 porsiyento na umano ang nabigyan nila ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.