PatrolPH

Sunog sumiklab sa commercial area sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at May 13 2022 07:27 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Natupok ang hilera ng mga commercial establishment sa Barangay Baritan, Malabon City, maghahatinggabi ng Biyernes.

Kuwento ni Josef Geminiano, isa sa mga residente, una muna silang nakarinig ng magkakasund na putok na sinundan ng malakas na apoy.

Agad inakyat sa unang alarma ang sunog na naapula rin makalipas ang 20 minuto.

Nadamay sa apoy ang mga katabing establisyimento, kagaya ng isang repair shop ng appliances. Nasunog din ang katabi nitong pet shop at maging isang paupahang bahay sa likuran.

Nakasara anila ang commercial establishments at wala ring tao roon nang maganap ang sunog.

Iginiit naman ni Alfonso de Aro, may-ari ng appliances shop, na binababa nila ang circuit breaker kaya malabo na sa kanila nag-umpisa ang sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa posibleng sanhi ng apoy at maging kabuuang halaga ng pinsala nito.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.