Home > News Magsasaka na nakasuot ng uniporme ng pulis nahulihan ng patalim Lyza Aquino, ABS-CBN News Posted at May 13 2022 07:37 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Arestado ang isang magsasaka na nakasuot ng uniporme ng pulis matapos siyang mahulihan ng patalim. Timbog ang isang 33-anyos na lalaki matapos mahuling nakasuot ng uniporme ng pulis sa Palayan City, Nueva Ecija. Batay sa paunang ulat ng Police Regional Office 3, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Palayan PNP nang makita nilang naglalakad ang suspek na si "Rey", isang residente ng Barangay Carmen. Hinarang sya ng pulisya dahil nakasuot siya ng uniporme ng pulis. Pero nang hingan siya ng ID ay wala siyang naipakita. Kalaunan ay umamin siya na siya ay isang magsasaka. Nang arestuhin siya at kapkapan ay tumambad din ang isang patalim na nakatago sa kanyang bewang. Mahaharap sa kasong paglabag sa Illegal Use of Police Uniform, possession of Deadly Weapon at paglabag sa Omnibus election code ang lalaki. Paalala ng PNP sa mga sibilyan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng uniporme ng pulis at militar alinsunod sa Article 179 Revised Penal Code of the Philippines. ABS-CBN News, May 13, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber regional news,tagalog news Read More: nueva ecija police magsasaka regional news tagalog news