Commercial establishment sa Caloocan, nasunog

ABS-CBN News

Posted at May 13 2017 10:53 PM

Watch also in iWantTFC

Nabulabog ang mga residente ng Sangandaan sa Caloocan nang magliyab ang isang commercial building, Biyernes ng gabi.

Nasunog ang anim na stalls na tinatayang nasa P500,000 ang halaga.

Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Caloocan, nagsimula ang sunog sa isang salon sa gusali.

''Pagbukas nila, may apoy na malaki. Tamang-tama lang ang firewall kaya di na kumalat ang apoy,'' kuwento ni BFP-Caloocan Fire Marshall Supt. Gary Alto.

Wala pang isang oras nang makontrol ang apoy dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero at fire volunteers. 

Maghahatinggabi nang tuluyang maapula ang sunog. Bagama’t walang nasaktan, apektado naman ang trabaho ng marami dahil sa pagkakatupok ng anim na stall.

Apela ng mga biktima sa lokal na pamahalaan, tulungan silang makapagsimulang muli.

-- Ulat mula sa TV Patrol, Biyernes, 13 Mayo 2017