Home > News Mga PPCRV volunteer nagdaos ng singing contest para maaliw ABS-CBN News Posted at May 12 2022 06:18 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Para lang makapabigay aliw, nagdaos ng singing contest ang mga volunteers ng PPCRV sa kanilang command center sa University of Santo Tomas Miyerkoles ng gabi. Kahit papaano ay nasiyahan ang mga volunteers na mano-manong nag-eencode ng mga election return sa UST. Tatlo ang nanalo sa contest at bawat isa ay nakatanggap ng cash prize mula sa isang anonymous sponsor. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-eencode ng mga volunteer. Batay sa huling datos ng PPCRV, nasa 9,780 election returns na ang na-eencode. Kumakatawan ito sa 21.73% ng kabuuang presinto sa bansa. PPCRV says to release match rate between physical, digital election returns May 12 Inaasahang mas maraming election return mula Luzon ang darating dito ngayong Huwebes. Muli silang nanawagan ng karagdagang 300 volunteers. Para sa mga interesado maaaring magtungo sa command center sa UST sa Espana. – Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: PPCRV PPCRV volunteer PPCRV singing contest UST PPCRV UST