PatrolPH

Toll hike sa Cavitex epektibo na ngayong araw

ABS-CBN News

Posted at May 12 2022 06:43 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Dagdag-gastos ang sasalubong ngayong Huwebes sa mga motorista na dumadaan ng Manila-Cavite Toll Expressway o Cavitex dahil tataas na kasi ang singil ng mga toll dito.

Base sa bagong toll matrix ng Cavitex, P33 na ang bayad para sa Class-1 vehicles na dating P25 lamang, habang P67 naman para sa Class-2 vehicles na dating P50 lang.

Nasa P100 naman ang taas para sa mga Class-3 vehicles na dating P75 lang ang toll fee.

Ayon sa ng pamunuan ng Cavitex, inaprubahan na kasi ng toll regulatory board ang kanilang 2011 at 2014 contractual tariff adjustment poll petitions.

Para makatulong sa mga PUV, lumang toll rate na muna ang sisingilin sa kanila sa loob ng tatlong buwan. – Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.