PatrolPH

Mga campaign poster pinagbabaklas na sa Caloocan, Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at May 12 2022 06:47 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Apat na araw matapos ang Halalan 2022, nag-uumpisa nang magsagawa nang kaliwa't kanan clearing operations ang mga lokal na pamahalaan para baklasin ang mga campaign posters sa iba't ibang lugar.

Sa Caloocan City, pinagbabaklas na ang mga posters sa mga pader at poste sa bahagi ng Sangandaan, Rizal Ave. at iba pa.

Maging sa Valenzuela City, inalis na rin ang iba-ibang klase ng mga paraphernalia sa mga pampublikong lugar at maging sa gilid at tabi ng polling precinct.

Maging ang campaign posters na ginawang banderitas ay pinaghihila at pinag-aalis na rin.

Magpapatuloy naman ang clearing operations nila hanggang sa mga darating na araw. – Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.