Face mask violators sa QC pinagbabayad ng multa

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 09:49 AM | Updated as of May 12 2021 11:34 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nagsagawa ng one time, big time operation ang lungsod ng Quezon laban sa health protocol violators, Miyerkoles ng umaga. 

Pinaka-target ng operasyon ay ang mga taong walang suot na face mask habang ang mga taong hindi nakasuot ng tama ang face shield ay pinagsasabihan na lamang. Isa rin sa pinuntirya ay ang mga hindi sumusunod sa mass gathering.

Ang mga nahuli mula sa iba’t-ibang barangay ay dinala sa Quezon Memorial Circle kung saan sila iisyuhan ng ticket. 

Wala pang kabuuang bilang kung ilan ang nahuli pero ang mga natikitan ay kailangang magbayad ng P300 hanggang P350 multa. 

Patuloy pa rin ang pag-iikot ng awtoridad sa iba’t-ibang lugar sa lungsod laban sa mga lumalabag sa health protocols.

- TeleRadyo 12 Mayo 2021