300 curfew, face mask violators huli sa San Pedro City

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 10:38 AM

Watch more on iWantTFC

Umabot sa 300 residente mula sa iba't-ibang lugar sa San Pedro, Laguna ang dinampot ng pulisya nitong Martes dahil sa paglabag sa curfew at city ordinance kaugnay sa pagsusuot ng face mask.

Nasa 145 na residente ang inaresto dahil sa walang suot na face mask o hindi tama ang pagsusuot nito. 

Umabot naman sa 155 na residente ang hinuli dahil sa paglabag sa curfew na ipinatutupad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

P1,000 na multa ang kinakaharap ng mga naaresto pero hindi sila ikinulong at pinangaralan na lamang sila ng hepe ng San Pedro City at binigyan din na lang sila ng face mask.

Sa loob ng dalawang linggo, umabot na sa halos 2,000 ang nahuli dahil sa walang suot na face mask at paglabag sa curfew sa San Pedro City, Laguna.

- TeleRadyo 12 Mayo 2021