PatrolPH

'Killer lambanog' nakumpiska sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 08:23 AM

Watch more on iWantTFC

Nakumpiska ng Food and Drug Administration sa Dasmariñas, Cavite ang ilang bote ng lambanog na may mataas na lebel ng nakakalasong methanol, sinabi ng ahensya, Martes.

Kinolekta ng mga awtoridad ang 8 bote ng "Bossing Tomador" makaraang makatanggap ng ulat na nasawi ang 6 na kataong uminom nito noong unang linggo ng Mayo, ani FDA Director General Eric Domingo.

Tatlo aniya sa mga nakolektang bote ay may 10 percent hanggang 18 percent na methanol content, lagpas sa pinapayagang lebel na dapat ay mas mababa sa 1 porsyento.
 
"Ang methanol po kasi, kahit 2 kutsara lang, halos enough na po iyan para makapatay ng isang tao. Iyong iba naman pong nagsu-survive, iyong ugat sa mata, iyong optic nerve ang tinatamaan kaya mayroong nabubulag," sabi ni Domingo sa panayam ng DZMM.

Walang amoy ang methanol na ginagamit ng ilang manufaturer bilang extender ng legal alcohol na ethanol.

Noong Pasko ng 2018, ipinasara ng FDA ang Bossing Tomador matapos madiskubreng labis ang methanol sa mga produkto nito. Pending pa ang mga kaso laban sa naturang manufacturer, ani Domingo.

DZMM, Mayo 1, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.