Extremism, pag-uusapan sa 'Ulama Summit'

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 02:54 PM

Watch also in iWantTFC

Nagtitipon ngayon sa Maguindanao ang tinatayang 300 Muslim religious leaders. Isa sa mga aabangan ay ang iisang posisyon ng mga Ulama at Ustadz ukol sa terorismo at maling paniniwala sa relihiyong Islam.

Aarangkada ngayong araw ang isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga Ustadz at Ulama sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Darul Ifta ARMM, Ustadz Abdulmuhmin Mujahid, isa sa pinakalayunin ng Ulama Summit ang magkaroon ng iisang posisyon sa buong rehiyon kaugnay sa terorismo.

Tatalakayin din sa Ulama Summit ang ugat ng "extremism."

Sa ngayon, mayroon nang abot 300 Ustadz at Ulama na dadalo sa summit ngayon hanggang sa Linggo. - Headline Pilipinas, 12 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.