Bicycle rider, patay matapos masagasaan ng isang sasakyan

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 12:11 PM

Watch also in iWantTFC

Hindi na naabutang buhay ng barangay rescue si Gerald Acain, 26-anyos, na nakahandusay sa gilid ng Dr. A. Santos Avenue sa Barangay San Dionisio, Parañaque bago mag alas-9:30 kagabi.

Sa inisyal na nakuhang detalye ng Traffic Bureau, sakay ng kanyang bisikleta si Acain habang bumabagtas sa kalsada patungong direksyon ng Baclaran nang mahagip ng isang sasakyan.

Tumilapon si Acain mula sa sinasakyang bisikleta.

Kinukumpirma pa ng imbestigador ang impormasyong isang trailer truck ang humagip sa biktima. Daanan ng mga malalaking truck tuwing gabi ang naturang kalsada.

Ayon sa kamaganak ng biktima, taga Bacoor, Cavite si Acain na papasok noon sa trabaho bilang tagalinis sa isang casino-hotel sa Parañaque rin.

Nang ideklarang patay ng taga-rescue si Acain ay inalis ang bangkay nito ng taga-puneraria at dinala sa Cavite. 

May iniwan siyang asawa at anak.

Inaalam pa ngayon ang pagkakakilanlan sa sasakyan at driver nito. – Umagang Kay Ganda, 12 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.