4 na umano'y tulak, timbog sa buy bust operation

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 11:24 AM

Watch also in iWantTFC

Arestado ang tatlong lalaki at isang babae matapos kumagat sa buy bust operation sa Quezon City kagabi.

Mangiyak-ngiyak ang tatlong lalaki matapos silang maaresto ng QCPD-Cubao station sa isinagawang buy bust operation kagabi.

Todo tanggi sila sa paratang na nagbebenta ng shabu, pero umamin silang gumagamit nito.

Nahuli rin ang isang babae na kinilalang si Wilma Andaya kung saan nakuha ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na nasa P8,000 ang market value. 

Nahuli na ang asawa nito noong Enero na sinasabing nagtutulak ng shabu sa kanilang lugar. 

Sabi ng pulisya, talamak ang bentahan ng shabu sa lugar.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat. – Umagang Kay Ganda, 12 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.