3 patay sa anti-illegal drugs operation ng pulis at militar

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 03:25 PM | Updated as of May 12 2017 04:40 PM

Watch also in iWantTFC

Tatlo ang patay sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pulis at militar sa Pandag, Maguindanao.

Huwebes ng madaling araw nang pumasok ang operating team sa Barangay Cabuling pero agad umano silang pinaputukan ng grupo ni Abdulatip Pendaliday, alyas Grasscutter, na pangunahing target ng operasyon.

Napatay sa sagupaan ang 3 drug suspect pero nakatakas si Grasscutter.

Noong Pebrero, nagsagawa rin ng operasyon ang militar at PDEA-ARMM para mahuli si Grasscutter pero nakatakas siya.

Nakuha sa operasyon ang samu't-saring matataas na kalibre ng armas at mga bala, nasa 34 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000 at iba pang drug paraphernalia.

Bukod sa pagkakasangkot sa iligal na droga, sinasabing may kinalaman din sa ilang insidente ng pamamaril at agaw-motorsiklo ang grupo ni Grasscutter. – Headline Pilipinas, 12 May 2017
    

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.