Home > News Pagdinig ng Senado tungkol sa kaso ni Degamo, maaaring mapalawig ABS-CBN News Posted at May 11 2023 02:45 PM | Updated as of May 11 2023 02:49 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Bagamat target na tapusin ngayong Huwebes ng gabi ang pagdinig sa Senado kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang opisyal, posible pang palawigin pa ang imbestigasyon hanggang Biyernes. Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Senate Committee on Public Order chair Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa na mahigit 30 resource person o testigo ang kailangan pang pakinggan ng mga senador. "Uubusin natin yan bago tayo mag-adjourn. Kanya-kanyang accusation at counter-accusation 'no, but then, we rely on evidence and our conclusion must be evidence-based," ani Dela Rosa. Bagamat malayo-layo pang makabuo ng rekomendasyon ang komite, sinabi ng senador na isang nakikitang policy intervention na pwedeng gawin ang ay ang pag-amyenda sa Local Government Code para tanggalin ang kapangyarihan mga gobernador at mayor na pumipili ng hepe o pulis sa kanilang nasasakupan. "Irekomenda nating tanggalin yung power na yan dahil nga nagkakaroon ng utang ng loob kung sino man yung i-appoint doon at the behest of the local executives," ani Dela Rosa. "Naturalmente, magkakaroon ng utang na loob at pwede silang gamitin directly or indirectly," dagdag ng mambabatas. Ex-Degamo employee claims family of slain Negros Oriental governor involved in illegal activities Una nang iniugnay ng ilang resource person ang ilang pulis sa Negros Oriental sa mga umano'y insidente ng harassment at pamamaslang. 'Dapat makonsensya kayo': Bato disappointed over cops' alleged involvement in Degamo case Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Degamo Roel Degamo Degamo killing Ronald Dela Rosa Senate Senate probe