PatrolPH

NLEX magpapatupad ng dagdag-singil sa toll Huwebes

ABS-CBN News

Posted at May 11 2022 06:53 AM | Updated as of May 11 2022 07:17 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Simula Huwebes ay may dagdag singil sa toll sa North Luzon Expressway.

Sa abiso na inilabas ng pamunuan ng NLEX, bahagi ito ng inaprubahan ng regulatory board na gradual o periodic adjustment sa toll hike na sinimulan noong 2016, at dahil na rin sa pagkakatapos ng Subic Freeport Expressway noong 2021.

May dagdag na P2 para sa Class-1 vehicles, P6 para sa Class-2 vehicles, at P8 para sa Class-3 vehicles na dadaan mula Balintawak hanggang sa bayan ng Marilao, Bulacan o sa kanilang open system.

Kapag naman lalagpas na doon at dadaan na sa bayan ng Bocaue, Bulacan patungong norte, may dagdag na P0.34 kada kilometro sa kanilang closed system.

Ang end-to-end na dagdag pasahe na babayaran ng mga dadaan sa NLEX ay P27 sa Class 1, P69 sa class 2, at P82 sa Class 3.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.