Mga pasahero, dagsa sa PITX matapos ang Halalan 2022

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at May 11 2022 10:02 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Balik-Maynila na ang mga pasaherong sinadya pang umuwi sa probinsya para makaboto.

Ayon sa tagapagsalita ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na si Jason Salvador, Martes nag-umpisang dumating ang bulto ng mga pasahero

Sa katunayan, Martes ng gabi, umabot sa 121,000 ang foot traffic ng PITX.

Kwento ng mga pasahero, dagsa man ang mga sasakyan ng bus pabalik ng Maynila, hindi ito kasinghirap sumakay tulad noong pauwi sila. 

Noong weekend kasi, lumagpas sa 150,000 ang mga indibidwal na bumiyahe sa PITX.

Inaasahang ng PITX na patuloy magkakaruon ng uptick ng mga pasahero sa mga susunod na araw.

--TeleRadyo, 11 May 2022