Home > News Ilang kabataan nagtungo sa PPCRV center para masigurong tama ang resulta ng halalan ABS-CBN News Posted at May 11 2022 06:21 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Nagpunta nitong Martes ang ilang kabataan sa University of Santo Tomas kung saan naroon ang PPCRV command center para i-monitor ang resulta ng Halalan 2022. Nasa labas mismo ng UST ang pila ng mga kabataang nais mag-volunteer. Anila, galing pa sila ng trabaho at may pasok pa sila pero mas ninais nilang pumunta doon para magserbisyo at siguraduhing ligtas ang mga boto, kaysa sa magpahinga. Ayon kay Angela Antonio, ang executive director ng PPCRV, dahil sa dami ng mga gustong mag-volunteer, ang dapat sanang eight-hour shift ay pinaikli nila sa tatlo hanggang apat na oras shift para ma-accommodate ang lahat ng volunteer. Ang iba, dinedeploy hindi lamang para mag-encode ng mga boto, kung di pati na rin ang pagsagot sa help desk, o kaya nama'y bilang runner. Bumuhos din ang mga donasyong pagkain para sa mga volunteer. Sa ngayon ay hindi pa matiyak ng PPCRV kung hanggang kailan matatapos ang pagberepika sa mga bilang ng boto. – Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Halalan 2022 Read More: Halalan 2022 UST PPCRV University of Santo Ferdinand Bongbong Marcos