2 arestado sa umano'y vote-buying sa Cavite

Larize Lee, ABS-CBN News

Posted at May 11 2022 11:42 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Huli sa akto ang dalawang lalaking namimigay ng pera sa Naic, Cavite, habang inuudyukan ang mga tao na iboto ang isang kandidato bago ang halalan.

Namimigay din ang mga ito ng campaign paraphernalia kahit tapos na ang panahon ng pangangampanya.

Kaya nahuli itong mga suspek ay dahil nakatanggap ng iba't ibang tawag ang mga pulis mula sa mga concerned citizen na nagreport na 'di umano ay may vote-buying na nagaganap sa Barangay Halang.

Nakumpiska ang limampung piraso ng puting sobre na may P500 bawat isa, mga sample ballot, listahan ng mga kandidato, at iba pa.

--TeleRadyo, 11 May 2022