Pila ng pasahero sa libreng sakay sa EDSA busway sa Caloocan dinagsa

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 09:34 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Umabot sa 3 linya ang haba ng pila ng mga pasaherong naghihintay na makasakay sa EDSA busway carousel sa Monumento sa Caloocan Martes ng umaga.

Marami sa mga pasahero ang sumusunod sa pagsuot ng face mask pero meron pa rin ang sumusuway. Dahil din sa haba ng pila, hindi masyadong nasusunod ang physical distancing.

Patuloy naman sa pagpapaalala ang awtoridad sa mga pasahero na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.

Humaba ang pila ng mga pasahero dahil sa marami na rin ang tumatangkilik sa EDSA busway carousel dahil matapos ipatupad ang enhanced community quarantine ay libre ang sakay dito sa kahabaan ng EDSA. — TeleRadyo 11 Mayo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.