UP nagpahiram ng higit 90 bisikleta sa medical frontliners

ABS-CBN News

Posted at May 11 2020 10:24 AM | Updated as of May 11 2020 07:04 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nagpahiram ng 92 na bisikleta ang University of the Philippines Bike Share sa mga medical workers na walang transportasyon ngayong Metro Manila lockdown.

Kabilang sa mga ospital na pinadalhan nila ng mga bisikleta ang St. Lukes, Philippine Orthopedic Center, Philippine Heart Center at Philippine Children’s Medical Center.

Ayon sa grupo, sakaling ang pagbibisikleta na ang maging new normal, kailangang ayusin ang bike lanes at mahalaga rin ang edukasyon sa lahat ng road user.

"Hindi nila alam paano iwasan bikers, 'yung iba hindi nirerespeto ang bike lane. Hindi sila tumitingin pag bumubukas ang pinto, baka merong bike na parating," ani Jesse Rasco, alumni na miyembro ng UP Bike Share.

Taong 2016 nagsimula magpahiram ng bisikleta ang grupo sa mga mag-aaral. --Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News