Mas angkop na rehabilitasyon para sa mga babaeng adik, inilunsad

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 02:35 AM | Updated as of May 12 2017 04:31 AM

Watch also in iWantTFC

Inilunsad ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang programang “Cognitive Behavioral Therapy for Women” na ipatutupad simula sa Hunyo.

 
Layon nitong mas matugunan ang rehabilitasyon para mga babaeng nalulong sa ilegal na droga.
 
Base kasi sa survey ng DDB, isang babae lang sa kada 13 lalaking sumailalim sa rehab ang nabibigyan ng sapat na lunas.
 
Kadalasan umanong hindi tumatagal sa rehab ang mga babae dahil hindi rin daw ganoon kaangkop ang programa sa kanila.
 
Sa bagong lunsad na programa, pangungunahan ng bihasang babaing psychologists at social workers ang rehabilitasyon sa mga babaeng nalulong sa ilegal na droga. Uunahin ang mga adik na babaeng naka-confine sa mga drug rehabilitation center ng pamahalaan.
 
Suportado ng Philippine Commission on Women ang programa at ng private rehabilitation centers na pursigidong mabigyan ng sapat na atensiyon at pagkalinga ang mga babaeng drug addict para mabigyan sila ng pangalawang pagkakataon sa buhay. -- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.