Seguridad sa Palawan, tinitiyak ng awtoridad

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 06:07 PM

Watch also in iWantTFC

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines Western Command na ligtas ang Palawan para sa mga residente at turista. 

Ayon sa WesCom, hinigpitan na nila ang seguridad sa lalawigan ilang buwan bago pa ang travel advisories.

Nasa heightened alert status pa rin hanggang ngayon ang Palawan at naka-activate ang mga inter-agency task group sa mga tourist spot. 

Sa kabila nito, hinihimok ng WesCom ang publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag sa paligid. 

-- Ulat mula sa Headline Pilipinas, Mayo 5, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.