Pulis, sibak sa bintang na 'rape' ng bagets

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 07:21 PM

Watch also in iWantTFC

Isang pulis ang inireklamo ng panggagahasa ng isang 16 anyos na dalagita sa Iligan City. 

Ayon sa biktimang si alyas ‘Janine’ na isang singer, nakipag-inuman at nalasing siya matapos ang kanyang gig.

Sunod na siyang nilapitan ng nakasibilyang pulis na si PO2 Berlyn Bigwas kasama ang isa pang pulis, at isinakay umano siya sa tricycle.

Dinala umano siya ng dalawa sa isang lugar na hindi niya alam kung saan at doon pinagsamantalahan.

Giit naman ni Bigwas, kinuha niya lang ang dalagita "for safe keeping." 

Nahaharap ang suspek sa kasong administratibo at forcible abduction with rape. Inalis na rin ito sa puwesto at nasa restrictive custody ngayon ng Iligan police. 

-- Ulat mula sa Headline Pilipinas, Miyerkoles, May 10, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.