Lalaking nakapulot na P100,000, isinauli ang pera

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 07:01 PM

Watch also in iWantTFC

Nakahinga nang maluwag ang negosyante sa Iloilo City matapos maibalik ang kanyang bag na may lamang P100,000.

Nawala ni Leo Dumancas noong Biyernes sa paradahan ng isang ospital ang kanyang sling bag na naglalaman ng perang pambayad pa umano niya sa bill ng na-ospital niyang ina.

Plano ng lokal na pamahalaan na kilalanin ang katapatan at kabutihang loob ng nagsauli ng bag kahit na tumanggi siyang magpakilala sa may-ari ng pera. 

"If there are heroes, present day heroes, siya na ang present day hero of Guimbal, rare breed eh," ani Oscar Garin, Sr., mayor ng Guimbal, Iloilo.

-- Ulat mula sa Headline Pilipinas, Mayo 10, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.