Home > News Mga media practitioner, riders nagsama-sama para maghatid ng tulong sa kapwa ABS-CBN News Posted at May 08 2020 09:02 AM | Updated as of May 08 2020 09:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Nagsama-sama ang ilang mga media practitioners at rider upang makapagbigay ng tulong sa kanilang kapwa. Dahil sa hangarin na makatulong sa mga nangangailangan, nabuo ang grupong Media Task Force Rider for Charity. Ayon kay Peter Lacang, unang nakapagbigay ng tig-limang kilong bigas ang grupo sa Barangay 148, Sunod naman nilang binigyan ng prutas at bigas ang ilang piling indibidwal sa Barangay Gen. T de Leon at Barangay Ugong sa Valenzuela. Itlog at bigas naman ang naipamahagi sa mga mahihirap sa may Novaliches at Bagombong, Caloocan. Personal protective equipment naman ang naibigay ng grupo sa mga tauhan ng SOCO sa Quezon City Police District. Naabutan din nila ng bigas ang ilang mga construction worker na hindi na nakauwi sa kanilang lugar dahil sa lockdown sa Barangay lawang bato sa Valenzuela. Ayon kay Lacang, bilang mga media practitioner, mulat sila sa hirap na nararanasan ng ilang mga kababayan ngayong naka-community quarantine ang Metro Manila at marami ang hindi makapaghanapbuhay kaya naisipan nilang mag-ambagan para makapaghatid ng tulong kahit papaano. Inihahanda na nila ang tulong na kanilang ipapamahagi sa darating na linggo para sa 20 mga manggagawa at mga senior citizen. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog News, media practitioners, rider, COVID-19, coronavirus, aid, lockdown Read More: Tagalog News media practitioners rider COVID-19 coronavirus aid lockdown