Home > News P27-M 'shabu' nasabat sa Angono; 3 arestado ABS-CBN News Posted at May 05 2022 10:57 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Nasamsam ng mga awtoridad ang 4 na kilo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P27 milyon sa isang buy-bust operation sa Angono, Rizal Huwebes. Nahuli rin mga pulis ang 2 lalaki at 1 babae sa operasyon na ikinasa ala-1 ng madaling-araw. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mag-iisang taon ng nirerentahan ng mga suspek ang isang apartment sa Angono para gawing bodega ng droga. Arestado ang 2 lalaki at isang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Angono, Rizal matapos silang mahulihan ng 4 kilo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P27 milyon. | via @nicobagsic pic.twitter.com/w2DM49ip7l — DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) May 4, 2022 Ang babaeng katransaksyon ng asset ay isang yaya sa umaga at rumaraket din sa pagbebenta ng droga. Hindi nito itinanggi ang pagiging sangkot sa ilegal na gawain Ayon din sa Rizal police, bago lang ang grupo ng mga drug suspek. Mahigit 1 buwan din ang naging surveillance ng kanilang team bago ikasa ang operasyon. Isang suspek na naaresto sa buy-bust ay ang napag-alamang may kasong homicide. Kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung bakit ito nakalaya ngayon. — Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Sakto, Tagalog news Read More: TeleRadyo Sakto Tagalog news crime drugs shabu droga buy-bust operation Angono Rizal