TeleRadyo anniversary: Home care package ibinigay sa health workers ng Jose Reyes Hospital

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 11:35 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Namahagi ng home care package ang TeleRadyo sa mga health care workers sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila Miyerkoles.

Ang public service na ito ay bahagi pa rin ng paggunita sa ika-14 na anibersaryo ng TeleRadyo.

Target na mabigyan ang nasa 50 health care workers ng home care package na may lamang pulse oximeter, thermometer, face masks, vitamins, alcohol at iba pa.

Ayon kay Dr. Wenceslao Llauderes, ang chief ng medical professional staff ng ospital, napaka-praktikal at malaking bagay para sa mga health care worker ang home care package para makatulong na maalagaan ang sarili nila sa patuloy na pakikipaglaban sa pandemya.

Una nang nagbigay ang TeleRadyo ng mga electric fan at kama sa isang isolation facility, mga sako ng bigas para sa mga jeepney driver, at marami pang iba.
 
- TeleRadyo 5 Mayo 2021