Cakes, cupcakes ipinamigay sa community pantry sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 09:42 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nag-umapaw ang tamis sa Barangay 583 sa Maynila na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan sa lugar dahil isang community cake pantry ang kanilang itinayo rin.

Bukod sa karaniwang pagkain na makukuha sa community pantry, may mga cake at cupcake din na ipinamahagi sa mga residente. 

Mismong ang SK kagawad na si Mae Pascua ang nag bake sa mahigit 100 cupcakes na may iba’t ibang flavor bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-24th kaarawan.

Iba’t ibang klase rin at makukulay na cake ang ibinigay doon na ikinatuwa ng mga residente.

Kung sa ibang community pantry may temang “kumuha ayon sa pangangailangan”, dito naman ay may pabirong nakalagay na “kumuha ayon sa blood sugar”.

Para sa organizers, paraan aniya nila ito para makapagbigay ng kasiyahan sa simpleng paraan lalo’t nasa pandemya pa rin.

Ilang linggo na rin ang community pantry sa barangay na naging takbuhan ng mga residenteng nangangailangan. May mga gulay, itlog, prutas mula na rin sa bayanihan ng mga residente.

Patuloy pa ring tumanggap ang barangay ng mga donasyon.

- TeleRadyo 5 Mayo 2021