PatrolPH

'Total lockdown' sa barangay sa Quezon City, tapos na

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 07:50 AM

Watch more on iWantTFC

Natapos na ang total lockdown sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa barangay, nakiisa naman ang mga residente sa ipinatupad na total lockdown.

Isang araw nag-lockdown sa naturang barangay dahil sa 7 kaso ng novel coronavirus sa kanilang lugar.

Ayon sa administrator ng barangay, paraan ng pagdisiplina sa mga tao na huwag na munang lumabas ng kanilang mga bahay ang total lockdown.

Wala naman nahuling lumabag sa total lockdown.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.