'Success ko, success n'ya': Pagtutulungan susi ng kambal sa pagpasa sa 2019 Bar Exams

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 12:15 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nakamit ng magkapatid na kambal mula General Santos City ang kanilang pangarap na pumasa sa 2019 Bar Exams sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Sabay nagtapos ng abogasya na may titulong cum laude sina Flourence Kathrine Enriquez at Flourence Marie Enriquez.

"Kaming dalawa po talaga is nagtutulungan. Hindi namin tinitingnan 'yung isa't isa as competitor. Parang iniisip namin 'yung success n'ya, success ko rin. Success ko, success n'ya rin," ani Kathrine.

"Sabay po kami lagi nagre-review and then nagshe-share kami ng review materials," ani Marie.

Nasa Makati City sina Kathrine at Marie para tahakin ang larangan ng tax at corporate law.

--May ulat ni Yen Mangompit, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.