PatrolPH

Pamilya nakatira sa abandonadong gusali sa Occidental Mindoro sa gitna ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 09:13 AM

Watch more on iWantTFC

Isang pamilyang nakatira lamang sa abandonadong gusali sa Barangay Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro ang nangangailangan ng tulong sa gitna ng lockdown.

Nawalan ng trabaho ang padre de pamilya dahil sa lockdown.

Ayon kay Rodelyn Tadong, 39, may 6 anak siya na nabubuhay lamang sa donasyon at nakuhang P5,000 ayuda mula sa Social Amelioration program.

Ang asawa ni Rodelyn ay sumusweldo lang ng P400 sa construction bilang mason kaya naman nanghihingi sila ng tulong ngayon dahil sa hirap ng buhay sa gitna ng banta ng COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.